Awayan sa lupa, ginang kinatay ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Dahil sa awayan sa lupa, isang 62-anyos na ginang  ang pinatay sa saksak ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Tala Hospital sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Celine Rebusta, ng Tala, Caloocan.

Hinahanting naman ng mga kagawad ng Caloocan City Police ang suspek na nakilalang si  Joven Tumaog,  kapitbahay ng biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa bahay  mismo ng nasawi na sinasabing pinasok sa loob ng suspect at doon inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Napag-alaman na bago ang insidente ay nakatalo ng biktima ang suspek dahil sa awayan sa lupa kung saan nag­banta pa ang suspek  na kaya nitong patayin ang biktima at maging ang mister nito.

 

Show comments