Binata dinedo ng mga palaboy

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang binata ng isang grupo ng mga kabataang palaboy matapos sitahin ng biktima ang kaibigan ng mga suspek kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Cen­ter sanhi ng mga saksak sa likod ang biktimang si Richard Villahermosa, 1,  ng Langaray ng nabanggit  na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina “alyas Mark”;  “alyas Enricks” at dalawang hindi pa kilalang mga kasama, na pawang miyembro ng “Bakal Boys”.

 Sa pagsisisyasat ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-2:45 ng umaga sa labas ng  bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nagutom ang biktima at lumabas ng bahay para bumili ng makakain at habang isinasara ang gate ng kanilang bahay ay sumulpot ang mga suspek at pinagtulungan itong saksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan ng kanyang mga kaanak, subalit hindi na umabot­ ng buhay.

Nabatid na bago ang insidente ay sinaway ng biktima ang ka-grupo ng mga suspek na isang  “alyas Zaldy” dahil sa pag-iingay na naging dahilan upang gantihan ito ng grupo.

Show comments