Kelot dedo sa saksak

MANILA, Philippines - Butas ang kilikili ng isang binata na agad na namatay makaraang saksakin ng isa umanong magnanakaw na nagalit matapos na maistorbo ang tangkang panloloob nito sa isang tindahan sa lungsod Quezon, kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Jefferson De Dios, 18, binata, naninirahan sa 18 Dahlia St., Brgy. Pag-asa sa lungsod.

Patuloy namang ina­alam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng sa­ larin.

Sinabi ni PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente malapit sa Norma St., sa Brgy. Pag-asa, ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Ayon kay Efren Alta­rejos, kaibigan ng biktima, papauwi na sila ng biktima nang makaramdam sila ng tawag ng ka­likasan.

Habang nagbabawas, napuna ni Altarejos ang isang lalaki sa madilim na bahagi ng nasabing lugar, malapit sa tindahan.

Dahil dito, nagpasya si Altarejos na tignan kung sino ang kahina-hi­nalang lalaki na nasa madilim na lugar gamit ang flashlight ng kanyang cellphone.

Paglapit ni Altajeros sa lalaki ay nakita niyang galit na tumingin ito sa kanya at naglabas ng patalim, dahilan para agad siyang nagtatakbo papalayo at iniwan si De Dios.

Matapos nito, nagpasya si Altarejos na pun­­­tahan si De Dios sa bahay nito,  kung saan nakita niya itong dugu­ang nakahandusay at may saksak sa kaliwang kilikili.

Agad na itinakbo ng kanyang mga kaanak ang biktima sa may East Avenue Medical Center pero idineklara din itong dead-on-arri­val.

Show comments