Parak arestado sa karnap
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang pulis matapos arestuhin ng kanyang kabaro dahil sa umano’y reklamong car­napping ng isang negosyante sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang suspect ay nakilalang si PO3 Rogelio Malayog, 33, at nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG)-Diplomat Protection Unit.

Siya ay dinakip base sa  reklamo ng isang Michael Garcia, 33, ng McArthur St., Veterans Village Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Nangyari ang insidente  sa kahabaan ng Kasiyahan St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod, ganap na alas-3:45 ng hapon.

Diumano minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo (YG-8262) at angkas ang kaibigang si Raymond Cano at binabagtas ang nasabing lugar, nang madaanan nila ang suspect na pulis kasama ang dalawa pang lalaki na nag-iinuman sa lugar.

Dito ay hinarang umano ni Malayog sina Garcia saka hiningi ang lisensya nito at dokumento ng kanilang dalang motor­siklo. Agad namang iniabot ni Garcia­ ang hinihingi ng pulis, pero matapos makita at kukunin na ng una ang papel sa halip na ibalik, nagalit umano ang huli at sapilitang pinababa ang mga biktima, saka tinangay ang motorsiklo.

Sa puntong ito, nagpasiya si Garcia na magtungo sa Quezon City Police District-Station 6 para humingi ng tulong kaugnay sa insidente.

Samantala, habang nagbibigay ng salaysay sa pulisya ang biktima ay dumating ang suspect sakay ng tinangay na motorsiklo. Kaya nang makita ito ni Garcia at lapitan ay hindi na nagawang bumaba ni Malayog mula sa motorsiklo at saka muling pinaharurot ito papalayo.

Dito ay hinabol siya ni SPO3 Eliterio Dacumos dahilan para ito maaresto.

Sa kasalukuyan ay nakakulong sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

 

BATASAN HILLS CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT DIPLOMAT PROTECTION UNIT DITO ELITERIO DACUMOS GARCIA KASIYAHAN ST. MALAYOG MICHAEL GARCIA PASONG TAMO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with