^

Kutob

April 23, 2018

Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May pagkakataon na mapagtuunan ng pansin ang pag-aayos sa tahanan. Maaaring maging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at gold.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong gawain na pagbabago ngunit mahihirapan kang magpaliwanag sa kaparehas o sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil walang ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at old rose.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso. Dahil maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon sa ano man bagay ang kailangan. Bad news, mag-ingat sa pakipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Magandang balita dahil magiging malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak ng kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan, dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa ano mang payo na maririnig, mapa’y pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at silver.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang mag-relax o mamasyal ay makakatulong para manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip kaya iwasan ang maging pikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at mag-sugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan nang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan muna nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama, panalangin ang kailangan para magkaroon ng tamang guidance. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon parag iwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa damayan. Maganda ang balita dahil magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Nasa mood at kasiglahan ka, handa ring harapin ang ano mang sitwasyon. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Bad news nga lamang dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Alam mong tama ka, subalit lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang suliranin dahil may kalutasan ito kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magandang balita dahil magtatagumpay ka sa nilalakad at magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang matatanggap. Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 23 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with