^

Kutob

Marso 31, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Kung nasasaktan ka nga­yon, ipagkatiwala ito sa Dios. Dahil sa lahat ng bagay, pinakamakakabuti ang dahilan Niya para sa iyo.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Isang kamag-anak ang mabibigyan mo ng kasiyahan. Pero mag-ingat dahil may maghihinanakit. Kung balak magnegosyo, pag-aralan muna ng mabuti ang “in and out” nito bago simulan para makatiyak na magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 20, 30, 39, 42 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Magiging malamig ang pakikitungo mo ngayon sa isang kamag-anak o kaibigan dahil hindi mo makakalimutan ang nasabi niya na nakasakit sa iyo. Palipasin ang hinanakit at magpatawad. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 30, 40 at blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Mahihirapan kang ipa­unawa o ipaliwanag ang iyong opinyon sa iba ngunit lalawak ang iyong komunikasyon. Malaking tulong ang makabagong teknolohiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 27, 29, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Kung malayo ka sa iyong minamahal, dama mo ang lungkot at pananabik ngunit ang lahat ay mapapawi kung makakatanggap ng mensahe o tawag. Lucky numbers at color for the day ay 10, 33, 40, 41 at neon green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Mag-ingat sa labis na pag-gastos sa mga bagay na pan­samantalang aliw o pansamantalang kaligayahan. Pairalin ang kabutihang loob at tiyak pawang magagandang bagay ang magaganap sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 32, 33 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang kutob ay magkaka­totoo. Damhin mo ang lungkot o ligaya dahil ngayon mo lubos na makikita ang tunay na kulay ng isang kaibigan o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 39, 40, 43 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Tama at makatuwiran ang iyong mga reklamo subalit negatibong reaksyon ang matatamo sa boss, sa mga kasamahan o sa mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 41 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Kung may suliranin at para gumaan ang paninikip ng dibdib, dapat i-share sa minamahal o pinagkakatiwalaang kaibigan na tiyak may maitutulong na magandang payo sa dapat gawin. Matutong magpasalamat sa tumulong. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 36, 38 at jade green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Huwag kang magtaka kung may magbibigay ng sakit ng ulo sa iyo. Iwasan na makipagtalo dahil wala kang mapapala. Isang dahilan ng problema ay tungkol sa pagba-budget at gastusin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 36, 42 at bold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Malinaw ang mga pinaplano mo sa kasalukuyan at madali kang mauunawaan sa mga nakapaligid sa iyo. Walang magiging problema at makukuha mo ang kanilang suporta. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pe­b­rero 18) –  Mali ang iyong akala na balewala ka na sa pamilya. Ang kanilang kaabalahan ay siyang dahilan sa hindi pagpansin ng iyong mga reklamo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 39, 40 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang mga magagandang bagay na iyong nagawa sa kapwa ay may bungang magpapasaya sa iyo. Kung kailangan mo ng tulong hindi ka mapaghihindian ng iyong malalapitan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 23, 40 at orange.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

IYONG

LUCKY

MGA

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with