^

Kutob

Agosto 28, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng nasa akin ay biyayang mula sa Dios na nagmamalasakit.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Mas nanaisin mong manatili sa tahanan kaysa paunlakan ang mag-aan­yaya. Magandang pangitain dahil kung sasama ka sa barkada malamang may mangyayaring hindi maganda. Gawaing bahay ang makapagpapaligaya sa iyo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 39, 41 at brown.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Pakinggan ang mga sinasabi ng mga taong malapit sa iyong puso. Ang malimit na pagpansin sa kamalian ng iba ay babansag sa iyo ng pagka-sarkastiko. Matutong humanga at magpahalaga sa gawa ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 14, 39, 42, 43 at aqua blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Marahil hindi mo napapansin ngunit may indikasyon na humihina ang iyong resistensya at epekto sa kalusugan. Balan­seng pagkain at tamang oras ng pahinga ang kailangan. Ang ehersisyo ay malaking tulong para manumbalik ang enerhiya ng sigla. Lucky numbers at color for the day ay 22, 27, 32, 33 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang iyong pagkamalikhain sa trabaho ay malaking kredito sa pag-asenso subalit ang iyong pagkaka-eksaherado ay siya namang hahatak sa iyo pababa. Kung ayaw sumobra o  kumulang ang kahit ano, pag-aralang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 41, 43 at neon green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mapapansin na parang nilalayo mo ang iyong sarili sa ibang tao. Kung sa mga tsismosa ang dahilan may katuwiran ka. Kung suliranin tungkol sa pag-ibig, nagkakamali ka dahil kailangan mo ang gabay ng higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 29, 37 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang minimithi ay makakamit kung taos pusong gagawin at hindi iiwanan hanggang hindi makita ang resulta. Ang mabilis na pagbabago ng isip sa ginagawa ay maghahatid ng kabiguan. Kung hindi maligaya ay huwag ituloy ang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 30, 40 at blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag isaisip ang katagang mahirap at hindi kayang gawin dahil talagang hindi ito magagawa. Kung kaya ng iba, walang dahilang hindi mo makaya. Ang positibong pag-iisip ay panatilihin. Lucky numbers at color for the day ay 21, 33, 39, 43 at green.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang iyong maririnig at makikita ay sarilihin dahil kung mailalabas sa bibig, maituturing kang tsismosa. Kung ayaw mawalan ng pera sa bulsa at magkautang-utang, huwag magtsismis. Iwasan ang tsismis dahil walang ibubungang mabuti kundi away o gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 27, 33, 43 at orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Lulunurin ka ng tuwa, galak o kaligayahan. Lulunurin ka ng labis na hinanakit, hinagpis o kalungkutan. Ang mahalaga ay marunong kang magdala ng iyong sariling damdamin. Manalangin ng taimtim para sa kabutihan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 39, 40 at red.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung dating gawi at paraan pa rin ang iyong gagamitin, tiyak maiiwanan ka ng makabagong panahon. Baguhin ang mga sistema kagaya ng mga makabagong teknolohiya, pamamaraan at patakaran upang maging mabilis ang asenso. Lucky numbers ta color for the day ay 12, 22, 37, 39 at indigo.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Ang lihim ay magi­ging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Kung may dala kang lihim ngayon, makakabuting magpaliwanag sa mahinahong paraan. Huwag salubungin ng init ng ulo ang maaanghang na salita ng katapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 36, 44 at yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Dahil sa pag-ibig, handa kang harapin ang anumang hamong darating. Pag-ibig ang matibay mong gabay kaya ka masigla. Ngunit mag-ingat at huwag pairalin ang selos dahil sisirain ang pundasyon at haligi ng tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 8, 22, 37, 38 at jade green.

vuukle comment

ABRIL

COLOR

DAY

IYONG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with