^

Dr. Love

55 years old na binata pa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakakahiya man ang problema ko, gusto ko po humingi ng payo sa inyo. Tawagin n’yo na lang akong Minyong, 55 anyos. Sa edad kong ito, pagkakarpintero ang hanapbuhay ko.

Ang problema ko, umabot ako sa edad na ito na ‘di nakapag-asawa at takot akong manligaw. Kasi tinutukso akong ngongo ng mga kaibigan ko dahil may biyak ako sa nguso at may depekto ang pananalita ko.

Sa tingin ko ay walang magkakagusto sa kagaya kong may diprensya. Ayaw ko namang pumatol sa kaparehas kong pangit dahil baka pangit din ang magiging anak namin.

Ano gagawin ko?

Minyong

Dear Minyong

Sana ay nanligaw ka na noon pang bata-bata ka. Mayroon nga diyan na kahit unano ay nakakakita ng asawa na normal at maganda.

Ngayong matanda ka na at nasa ganyang kalagayan, malamang mahirapan ka nang makakuha ng partner lalo pa’t pihikan ka pa?

Anyway, subukan mo pa ring manligaw. Huwag mong maliitin ang sarili mo, malay mo makatsamba ka.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with