^

Dr. Love

Winaldas ang ipon

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa akong seaman na walang naipon dahil winaldas ng asawa ko sa sugal ang pera namin. Ang akala ko maayos ang buhay ng pamilya ko habang nasa barko ako. ‘Yun pala nagbuhay dalaga ang misis ko. Iniiwan niya sa biyenan ko ang mga anak namin. Lagi siyang gumigimik kasama ang kanyang mga kaibigan. May nakarating na sa akin na ganun nga ang kanyang ginagawa pero hindi ako naniniwala dahil lagi naman kaming nagvi-video call.

Nalulong siya sa pagsusugal kasama ang kanyang mga kaibigan. Hanggang siya na rin ang humigi ng tawad sa akin dahil sa hindi niya mabayaran na utang dahil sa talo niya sa sugal. Masakit para sa akin pero ayaw ko pa ring maniwalang sinayang niya ang ipon namin na sana ay para sa pag-aaral ng aming anak. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya.

Mat

Dear Mat,

Marami rin ang tulad mong naging masaklap ang karanasan sa asawa. Hindi makakatulong ngayon ang magsisihan. Nariyan na ang problema, magtulungan kayong mag-asawa.

Kausapin mo ang misis mo na dapat siyang kumilos sa lalong madaling panahon.

Tutal naman may napag-iiwan siya sa inyong anak, maghanap siya ng trabaho at kahit paunti-unti ay bayaran ang mga utang niya.

Mainam din kung magagawa mong kumunsulta sa isang abogado para sa legal advice o kaya’y marriage counselor para mas malaman mo ang tamang pag-handle sa inyong situwasyon.

Magpakatatag ka! Naniniwala akong malalampasan ninyo ‘yan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with