^

Dr. Love

May asawa na pala

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang taon na kami ng boyfriend ko at mahal na mahal namin ang bawat isa. Buo ang tiwala ko na binata siya kaya naipagkatiwala ko na sa kanya ang aking sarili.

Minsan na nga akong nabuntis pero nagkaroon ako ng miscarriage.  Ngunit minsan ay napansin kong hindi siya mapakali.

Inusisa ko siya at nagtapat siya sa akin matapos ang dalawang araw. Hiwalay daw siya sa kanyang asawa at wala pang results ang annulment dahil ayaw pumirma ng kanyang misis.

Nasaktan ako dahil hindi siya nagpakatotoo sa akin.  Dapat na ba akong makipaghiwalay sa kanya?

Daria

Dear Daria,

Kung ako ikaw, ano man ang namagitan na sa inyo ay makikipagkalas na ako. Hindi siya naging tapat at pinagsinungalingan ka.

Sa simula pa lang ay dapat sinabi na niya sa iyo ang totoo niyang status.

Pero hindi ko sakop ang iyong damdamin at kung magpapasya ka na ipagpatuloy ang inyong relasyon ay hindi kita kayang hadlangan.

Kaya pag-isipan mo ng mabuti kung karapatdapat ba siya na makatuluyan mo.

Dr. Love

vuukle comment

DARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with