^

Dr. Love

Malayo ang agwat

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

May best friend ang aking bunsong kapatid na tawagin na lang nating Clark. 17 anyos pa lang siya nung madalas magpunta sa aming bahay at kung minsa’y sa amin na natutulog.

Ewan ko ba kung bakit magaan ang dugo ko kay Clark, walong taon ang tanda ko sa kanya. Naramdaman kong in-love ako sa kanya dahil bukod sa pogi ay matured ang pananaw sa buhay.

Ngayo’y twenty years old na siya samantalang 28 na ako at dalaga pa. Marami akong manliligaw pero parang siya ang hinihintay kong manligaw sa akin.

Wala naman akong makitang indikasyon na may gusto siya sa akin sa kabila ng pagpapakita ko ng pagkagiliw sa kanya.

Tama ba ang ginagawa ko?

Elmira

Dear Elmira,

Kung niligawan ka niya, walang masama roon kahit malayo ang agwat ng edad ninyo. Sabi nga, age doesn’t matter in love.

Pero kung ikaw ang nagpapa-charming pero wa epek, aba’y lubayan mo na siya at wala siyang kursunada sa iyo. Huwag mong ipagsiksikan ang iyong sarili kung wala siyang gusto sa iyo.

Just to remind you, 28 ka na at malapit ka nang maihanay sa mga matandang da-laga. Baka kung kayo ang magkatuluyan ay mapagkamalan pa ka-yong mother and son.

Ikaw pa ang lalabas na nang-aakit sa isang musmos at hindi magandang impression iyan sa iyong pagkatao.

Siguro ayaw ka niyang ligawan dahil big sister ang tingin niya sa iyo. Huwag mong ha-yaang masira ang respeto niya sa iyo kapag nahalata niya na inaakit mo siya.

Dr. Love

vuukle comment

CLARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with