^

Dr. Love

Sound trip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ruby. Laging nagagalit ang kapitbahay namin sa mister ko kasi malakas magpatugtog ang asawa ko ng mga slow rock at minsan metallic.

Eh, napakalakas at makaluma ang mga paborito niya, kaya ‘yung mga kapitbahay namin ay nasusuya at nabibingi sa lakas ng sounds.

Ako na lang minsan ang nakikiusap. Madalas sa umaga ng Sunday.

Namana na raw niya sa papa niya ang pagpapatugtog kaya hindi siya nakikinig sa reklamo ng mga kapitbahay.

Halos magsigawan na sila ng katapat na-ming bahay dahil sa lakas. Eh, ipapabaranggay na nga raw nila ang mister ko. Galit na galit na ‘yung matanda sa tapat namin.

Kinausap ko na siya na hinaan ng konti pa at nang hindi na lumala pa ang problema namin.

Ruby

Dear Ruby,

Ang mister mo ang dapat kong payuhan. Ok lang magpatugtog ng malakas kung malalayo ang kapitbahay ninyo.

Saka sa oras na gising na ang lahat. ‘Yan na nga ang problema kung ano ang kinagisnan ‘yung ang ating ginagawa.

Kung may karapatan tayo, may karapatan din ang iba. Hindi lahat ng gusto natin dapat gagawin natin.

Nagtatapos ang ating karapatan kapag nagsimula na ang karapatan ng iba. Mabuti pang pakiusapan mo ang mister mo. Lagi mo siyang paalalahanan.

Totoong mababaranggay nga siya kapag hindi siya tumigil na mag-sound trip ng malakas.

Sana magawan ninyo ng paraan habang may pagkaka-taon pa.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with