^

Dr. Love

Pinanindigan ang tawag na Jan

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Jan ang tawag sa akin ng gf ko.  Kasi laging tanong niya kapag sinusundo ko siya sa work niya, kung Jan na ‘ko. Kaya pinanindigan ko na Jan ang pangalan ko.

Ipinangalan ko naman siyang Alice Balic. Kasi lagi siyang aalis tapos babalik. Lagi siyang may nakakalimutan. Kaya pabalik balik siya sa office nila.

Ang biruan naming iyon ay nauwi sa isang seryosong sitwasyon. Nahuli ko kasing may umaaligid sa kanya. Nakuha pa niyang sumama sa isang fastfood. Hindi niya alam na dun ko sila makikita. Hindi naman sila sweet pero nakita niya akong papasok sa fastfood. Kaya dali-dali silang umalis na parang hindi niya ako nakita.

Sinundo ko siya pero ayaw niyang sumama. Sinabi ko lang sa kanya, Jan pala kayo. Jan na ko. Hindi siya nagpadala sa sinabi ko. Umalis siya at iniwan ako.

Ang akala ko hindi na niya ako kikibuin. Pero pumunta siya sa bahay namin. Nasabi ko tuloy sa kanya na ikaw nga si Alice Balic. Hindi raw niya ako matiis. Eh, ako kaya mas matindi ang dating sa akin nang makita ko sila. Matampuhin talaga ako.

Pinaliwanag niya sa akin lahat at ipinakilala ang lalaking iyon, na pinsan pala niya. Mali pala ang akala ko ng hinala. Sinabihan niya akong mali ka, Jan. Hindi ka talaga namin nakita.

Nag-sorry naman ako sa kanya at sinabi ko na magpaalam ka lang bago ka umalis. Sabi niya, Jan ka naman.

Jan

Dear Jan,

Huwag kang pabigla bigla. Lalo na sa iyong mga akala. Kaya sa susunod, a-lamin mo muna bago ka magtampo o magselos.

Dapat alis galit, balik pagmamahal. Para hindi kayo nagkakaproblema sa isa’t isa.

Pero syempre, tao lang tayo nagkakamali. Kaya “Jan”  pumapasok ang pang-unawa.

May mga pagkakataon talaga na akala natin tama ang ating iniisip, tapos basta na lang tayo magtatampo.

Mabuti hindi sinabayan ng gf mo ang ugali mong matampuhin. Always be open minded.

Ok lang naman ang biruan, pero hindi lahat ay biro.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with