Bakit nagkalabuan?

Dear Dr. Love

Tawagin mo na lang akong Kate, 24 an-yos. I love my boyfriend so much at ang relasyon namin ay may apat na taon na. Tutol ang mga magulang ko sa kanya pero pinili ko na makipag-live in sa kanya.

Dalawang taon na kaming nagsasama at okay naman kami sa unang taon. Sa se-cond year ng pagsasama namin ay naging malamig siya sa akin. Minsan, dalawang araw siyang hindi umuwi.

Hindi na niya ako tinatabihan maging sa pagtulog. Natatakot akong magtanong at baka sabihin niya na tinatapos na niya ang aming relasyon.

Mahal ko siya at ayaw kong mangyari ito. What must I do?

Kate

Dear Kate,

In fairness sa inyong dalawa, magtanong ka para malaman mo kung ano ang kalaga-yan ng inyong pagsasama.

Kahit hindi ako pabor sa pagli-live in, yamang nagsasama kayo bilang mag-asawa, hindi patas na kibuin-dili ka niya.

Kung tatapusin na niya ang relasyon ninyo, let him go kahit masakit.

Dr. Love

Show comments