^

Dr. Love

Misis na mala ‘meta’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Aden. Ang misis ko parang si meta ng fb. Metampuhin at laging metamang duda. Gusto na yatang i-block ako sa rami ng restriction niya sa akin.

Alam kong nagkukulang ako ng time sa kanya lalo na sa mga anak namin.

Kapag may mga engagements ako, lagi niya akong  tsine-check. Kulang na lang bigyan niya ako ng notice for deactivation ng kasal namin.

I’m in a business, nag-aalok ako ng mga insurance kaya madalas busy ako dealing with people. Pero minsan, nasisira ang araw ko dahil sa mga comments niya kahit sa messenger. Parang nasa bahay pa rin ako.

Bigla bigla na lang tumatawag kahit nasa meeting ako.  May isang client ko ang nainis, hindi niya raw ako maintindihan dahil wala raw ako sa focus.

Aden

 

Dear Aden,

Malamang kulang sa atensyon ang misis mo.

Baka kailangan lang niya ng oras para makapag-bonding kayo.

Kapag kulang sa time, malamang metampuhan talaga. Subukan mong maglaan ng panahon sa kanya.

Simula ngayon isama mo sa plano mo ang bonding ninyong mag-asawa kasama na ang inyong mga anak.

Family first, para saan nga ba ang mga pinagpapaguran mo, hindi ba para sa kanila?

Kaya bago pa ma-deactivate ni misis ang relasyon ninyo ay gawan mo na ng paraan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with