^

Dr. Love

Dalawa ang gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Namumroblema ako sa dalawa kong girlfriend. Ang isa ay kapitbahay ko rito sa Pasig City at ang isa ay nasa La Union.

Tawagin mo na lang akong Efren, 24 anyos at binata.

Talagang taga-La Union ako pero dalawang taon na akong may magandang trabaho rito sa Metro Manila kaya kada makalawang linggo ay umuuwi ako ng lalawigan.

Ang girlfriend ko sa probinsya ay childhood sweetheart ko mula pa nung elementary. Pero pareho ko silang mahal.

Niyayaya na akong pakasal ng taga-La Union kaya nagugulo ang isip ko.

Ayaw ko kasing i-break ang girlfriend ko na kapitbahay ko.

Ano ang gagawin ko?

Efren

Dear Efren,

Ang maipapayo ko ay pumili ka at iyan ay isang bagay na ikaw lang ang magagawa.

Hindi puwede ang pamamangka sa dalawang ilog. Kahit sa’yo gawin ‘yan ng karelasyon mo ay siguradong hindi mo magugustuhan.

Ikaw lang ang puwedeng gumawa ng pamantayan kung sino ang pipiliin mo sa dalawang girlfriend mo.

Kung sino man ang mapipili mo ay siguradong may masasaktan. Pero ‘yun lang ang puwede mong gawin.

Sana noon pa ay naisip mo na ang hindi magandang ibubu-nga ng pagkakaroon ng dalawang karela-syon. Pero komo naririyan na ang problema kaya harapin mo at gawin ang tamang desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with