^

Dr. Love

Lihim na relasyon

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Edmund, 37 anyos at may asawa at isang anak na 14 years old. 

Walang problema sa relasyon naming mag-asawa at walang dahilan para magtaksil ako sa kanya. 

Kaya lang, minsan ay may mga pangyayari na bigla na lang nangyayari.

Mahigit sa isang taon na ang nakararaan, nagtagpo kami nang hindi sinasadya ng aking ex-girlfriend, na may asawa na rin at nabuhay ang dati naming pagmamahalan. 

Iresponsable ang kanyang naging mister kaya ito ang dahilan kung bakit kami nag-kabalikan. 

Minsan sa isang buwan ay nagtatagpo kami ng lihim. 

Wala kaming komunikasyon at basta na lang kami nagkikita sa itinakda naming petsa sa dating lugar.

Mabuti na ang ganon para walang ebidensyang nag-uusap kami sa text.

Sampung buwan na naming ginagawa ito at nananatiling sikreto.  

Pero nakukonsensya ako dahil napakabait ng misis ko na ang akala ay ulirang asawa ako.

Nahihirapan akong paglabanan ang tuksong makipagkita  sa kanya. 

Ano ang gagawin ko?

Edmund 

Dear Edmund,

Naging kasintahan mo man siya dati, mas matagal at malalim na ang pinagsamahan ninyong mag-asawa. Kapwa kayo nagpundar ng kabuhayan at itinaguyod ang inyong anak.

Napakalaking kamalian kung mawawasak ang pamilya ninyo dahil sa isang maling relasyon. Pita lamang ng laman ang nadarama mo.

Huwag mo itong hayaang manaig para mapreserba ang inyong masa-yang pamilya.

Isipin mo rin na sa nagpapatuloy  ninyong maling relasyon, isang pamilya rin ang winawasak mo.

Dr. Love
 

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with