^

Dr. Love

Vape o gf?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Vaper. Malakas kasi ako mag-vape. Ginawa ko itong alternatibo sa pagyo-yosi. Pero parang ganun pa rin.

Hindi ako makabuo ng maghapon na hindi nagbe-vape. Lakas kong mag-vape.

Sarap kasi lalo na kapag gusto ang flavor.

Ang nililigawan ko ay ayaw sa nagbe-vape. Gusto ko na sana hindi ituloy ang panliligaw ko kasi need ko pa mag-adjust sa gusto niya. Hahanap na nga lang sana ako ng ibang babae pero mas gusto ko siya.

‘Yun lang naman ang ayaw niya. Alam kong mahirap itigil, kaya iingatan ko na lang na hindi niya ako mahuli sa pagebe-vape.

Kung huminto ako parang nanghihinayang ako na hindi na ako makakapag-vape muli. Iyon ang hindi ko kaya.

Isang bagay na nakalungkot para sa akin. Pero kapag ipinagpatuloy ko, basted ako.

Vaper

 

Dear Vaper,

Kailangan mo talagang mamili kung ang vape o ang nililigawan mo.

Mahirap sa mahirap pero kung may goal ka, hindi ka magdadalawang-isip.

Nagawa mo ngang tumigil sa pagyoyosi, kaya maaaring magawa mo ring maiwasan ang sobrang pagve-vape.

Pakiusapan mo si girl na huwag ka niyang madaliin at gagawin mo na itigil ang pagbe-vape. Dapat lang seryoso ka. Kung itatago mo lang ang tungkol dito sa kanya, tiyak na may magsusumbong o makapagsasabi sa kanya na nagsisinungaling ka.

Try mo, mainam na maiwasan mo at makakatulong pa sa health mo. Lalo ngayon na may mga finding na hindi rin safe ang vaping.

Nasa sa’yo pa rin naman ang desisyon.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with