^

Dr. Love

In love sa kapatid

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Matanda ng isang taon sa akin si Liza. Inampon siya ng mga magulang ko dahil akala nila, hindi na sila magkakaanak matapos ang five years na pagsasama.

Pero isinilang ako isang taon matapos siyang ampunin. Lumaki kami na parang tunay na magkakapatid. Hindi naman ikinaila ng parents ko kay Liza na siya ay ampon at tanggap niya ito. 

Nang 13 years old na ako ay 14 siya, nagkaroon ako ng kakaibang damdamin para sa kanya. Ganun din siya sa akin.

Minsan ay nahuli kami ni nanay na naghahalikan at pareho kaming pinalo. Kahit ampon daw si Liza ay dapat kaming magturingang magkapatid.  Kaya kinalimutan na namin ‘yon at nagkaroon kami ng kanya-kanyang kasintahan.

Nang sumapit kami sa edad na 21 at 22, nagkaroon kami ng problema sa aming mga jowa at inihayag namin sa isa’t isa ang aming problema. 

Hanggang nanariwa ang aming matamis na nakaraan at naging kami muli. Pero tutol ang parents namin.

Bawal ba na magpakasal ang magkapatid kahit ampon lang ang isa?

Omar 

Dear Omar,

Kaya lang naman binabawalang magpakasal ang malapit na magkamag-anak ay dahil iisa ang kanilang genes na maaaring magbunga ng abnormal na anak.

Iyan ay scientifically proven kaya ito ay ipinagbabawal.

Sa kaso ninyo ni Liza, biologically ay hindi kayo magkadugo kaya sa palagay ko’y puwede kayong magpakasal. But to be sure, magtanong kayo sa abogado dahil hindi ko alam ang legalities ng bagay na iyan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with