^

Dr. Love

Nilayasan ni Mister

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ai.  Nakakainis ang mister ko. Imbes na maghanap ng trabaho, ang ginawa niya nilayasan kami ng mga anak ko at umuwi sa kanila sa Pangasinan.

Hindi naman siya pinaalis ng nanay ko. Sinabihan lang siya na maghanap ng trabaho. Dinamdam niya yata masyado. Hayun! Umalis.

Naawa kasi ang nanay ko sa mga bata at sa akin dahil kami ang gumagawa ng paraan para may makain kami.

Eh, madalas nanghihiram ako ng pera kay nanay. Nagagalit ang tatay ko dahil sila pa nga raw ang pumapasan ng problema namin. Bakit nga raw hindi maghanap ng trabaho ang asawa ko.

Naghahanap naman siya, kaso nga lang walang tumatanggap. Sa halip na kumita, nag-aabono pa sa mga requirements niya sa pag-a-apply.

Hindi ko rin naman masisi ang mister ko. Kaya kung anong pwedeng pagkakita ginagawa ko na.

Ako pa nga ang sinisisi ng mga magulang ko. Kung bakit siya pa ang pinakasalan ko.

Kung mayaman daw ang napangasawa ko ay wala silang iintindihing sakit ng ulo.

Nalulungkot po ako sa kalagayan namin, pero kailangang magpakatatag ako at tiyakin na hindi bibitaw para sa mga anak namin. Ang tanging hangad ko lang po ay makaahon kami sa ganitong salat na sitwasyon.

Ngayon nga ay talagang nami-miss ko ang aking mister.

Ai

Dear Ai,

Ipagadasal mo na may makuhang trabaho o pagkakakitaan ang mister mo. Hindi naman nagpapabaya ang Diyos.

Kasama sa takbo ng buhay natin ‘yan, na minsan ay pinararanas sa atin ng Maykapal para lalo tayong maging matatag sa buhay.

Sabihan mo ang asawa mo na magpakumbaba.

Kahit nasa tama siya, magulang pa rin ninyo ang nagpapaalala sa inyo. Wala naman silang masamang intensyon kung may nasasabi sila.

Kaya lang nila nasasabi iyon dahil nag-aalala sila sa kalagayan ninyo.

Tama rin naman na hindi na kayo dapat umaasa sa kanila. ‘Yun nga lang, sila bilang magulang ang unang hihingan ng tulong o matatakbuhan.

Huwag kang susuko! Kumustahin mo palagi ang iyong mister.

Hayaan mo muna siyang malayo sa inyo para makadiskarte siya ng maayos. Malay mo, sa Panga-sinan pa siya palarin.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with