^

Dr. Love

Magkaiba ang pananampalataya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Tawagin mo na lang akong Christian Girl, 22 anyos. Lumiham ako sa iyo dahil sa malaki kong problema.

Marami akong manliligaw pero isa lang ang sinagot ko dahil may feelings ako sa kanya. Hindi ko alam na iba ang doctrine ng kanyang religion. Hindi ko na sasabihin kung ano ang religion niya. Christian din daw siya pero  malaki ang pagkakaiba sa pinaniniwalaan ko.

Maraming bawal kainin at iba ang pagka-kilala kay Jesus. Marahil may kasalanan din ako dahil hindi ko muna siya inusisa sa kanyang kinaaanibang  religion.

Ngayon ay nagdadalawang-isip ako kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon sa kanya. Please help me with your wise advice.

Christian Girl

Dear Christian Girl,

Kung gusto mo siyang makatuluyan dahil true love mo siya, desisyon mo iyan. Pero kung prayoridad mo ang iyong pananampalataya, dapat ay makipagkalas ka sa kanya.

Sabi nga ng Bi-bliya,  huwag tayong makipamatok sa iba ang pananampalataya.

Alalahanin mo na lalaki siya at siya ang masusunod kung saan mag-aaral at magsisimba ang inyong magiging anak.

Kung naniniwala ka sa itinuturo sa iyong relihiyon, tiyak hindi mo hahayaang lumihis ang pana-nampalataya ng iyong magiging mga anak.

God is always the priority of a true Christian. Kaya ang payo ko ay pakasuriin mo ang iyong desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

CHRISTIAN

GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with