Nalosyang na si Misis

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Joe, 31 anyos.  Limang taon na kaming kasal ng asawa kong si Connie. Nang maging siyota ko siya, sampu ang lalaking karibal ko. Kasi naman pinakamaganda si Connie sa aming subdivision.

Nagtanan kami dahil 19 lang siya nung mga pa-nahong ‘yun at gusto ng magulang niya na matapos muna siya ng college. Iisa pa lang ang anak namin at todo asikaso si Connie sa aming anak at sa mga gawaing bahay. Ayaw niya ng katulong dahil kaya naman daw niya ang gawain. Malaki ang suweldo ko kaya hindi ko na siya pinagtrabaho. Undergrad din kasi siya sa high school.

Ang problema ko ay nalosyang ang misis ko, nawala na ang hilig na mag-ayos sa sarili. Hindi ko siya ikinahihiya at mahal na mahal ko siya. Pero gusto ko maging presentable siya. Pagpayuhan mo po ako, Dr. Love.

Joe

Dear Joe,

Mabuti naman at hindi nawawala ang pagmamahal mo sa kanya. Ibili mo siya ng mga magarang damit, accessories at makeup para mas ma-encourage siya mag-ayos. Lumabas kayo para mag-unwind kasama ang inyong anak. Ikuha mo rin siya ng kasambahay kahit ayaw niya. Ikaw ang lalaki at ikaw ang dapat masunod.

Dr. Love

Show comments