^

Dr. Love

Makipag-break na sa bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maraming bagay ang kinaiinggitan ng marami mula nang sagutin ko ang boyfriend. Hindi lang kasi siya guwapo, makisig, mapustura, napakabait at maalalahanin pa.

Tawagin na lang po ninyo akong Janin, 20 anyos. Going six years na po sana kami ngayon ng boyfriend, kundi sa bagay na gumugulo sa isip ko tungkol sa kanya.

Ang mga magulang ko, mga kapatid at mga kamag-anak, lalo na ang tito kong NBI agent ay pinakikiusapan akong makipag-break na sa boyfriend ko.

Ang dahilan ay ang kumpirmasyong tinanggap ng opisina nila tito na sangkot ang boyfriend ko sa pagtutulak ng shabu.

Dr. Love, hanggang ngayon hirap akong tanggapin, bakit siya pa? Ang saya namin at ok ang relasyon namin.

Ang sabi ni tito on-going ang surveilance sa boyfriend ko, at pinakamabuti na maki-paghiwalay na ako para masigurong hindi ako madamay sakaling magkaroon ng entrapment.

Nag-aagawan ang puso at isip ko, sa dapat gawin.

Tumututol ang puso ko na layuan na ang boyfriend ko, habang itinutulak naman ako ng isip na gawin ang bagay na ito, bago pa ako magsisi ng matindi kung mangyari ang pangamba ni tito at ng aking pamilya.

Sa ngayon po ay hindi pa rin ako makapag-decide. May instances na lumalabas kami at pansin ng boyfriend ko ang panlalamig ko sa kanya.

Ang idinadahilan ko na lang ay hindi ok ang aking pakiramdam.

Gusto ko sanang usisain siya tungkol sa sinabi ni tito, Dr. Love. Pero kapag andyan na siya sa harap ko, hindi ko magawa.

Kinakabahan ako ng matindi na hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Paano po kaya ako makikipag-break sa kanya? Pagpayuhan po ninyo ako.

Janin

Dear Janin,

Kung hindi mo kayang gawin nang personal, i-direct message mo siya sa fb chat o kaya sa text message.

Umisip ka na lang ng mabigat na da-hlan para hindi na siya umalma sa pakiki-paghiwalay mo.

The moment na magawa mo ito, agad mong palitan ang fb account mo o kaya ang mobile number nang sa gayon at talagang disconnected ka na sa kanya at makapag-move on ka.

Hingin mo rin ang tulong ng iyong pamil-ya at mga kamag-anak, sakaling duma-law siya sa bahay ninyo o kaya’y mag-initiate na sunduin ka sa school.

Maaaring sa umpisa ay mahirapan ka. Pero kung maiisip mo ang pwede mong kahinatnan sa sandaling dakpin siya, alam kong magagawa mo ang dapat mong gawin, alang-alang sa iyong seguridad.

Maaaring ang kabaitan na ipinakikita ng boyfriend mo sa iyo ay paraan niya para mapagtakpan ang tunay niyang pagkatao. Natitiyak ko na kahit gaano mo siya kamal, dadapo ang takot sa’yo. Unahin mo ang safety mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with