^

Dr. Love

Insecure ang boy friend

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Chelsie. Laging nagseselos ang bf ko sa mga clients ko. Isa kasi akong insurance agent. Kailangan kong makipag-meet sa mga clients ko. Lalo na ngayong face to face na. Bihira na lang ang mga online meetings.

Minsan talagang take advantage ang mga clients kong lalaki. Pero i see to it na hindi nila ako mababastos.

I dress up na talagang balot na balot. Pangmayaman ang product ko kaya dapat pangmayaman din ang dating ko.

Never akong nagsuot na labas ang clea-vage ko. Pinagbibintangan ako ng bf ko na ginagamit ko raw ang ganda ko para makabenta. Syempre babae, kaya naaakit sila sa akin. Lalo na kung maganda ako sa outfit ko.

Kung hindi ako magpapaganda, eh paano nila ako pagkakatiwalaan. Lagi niyang pinapansin ang mga suot ko. Kung anong oras ang uwi ko at saan kami nagmi-meet ng client ko.

Sa akin lang, kahit magkandarapa sila sa kakapa-impress sa akin, eh sorry sila dahil may bf na ako. ‘Yun ang hindi naintindihan ng bf ko.

Chelsie

Dear Chelsie,

Good dapat lang na disente ka dahil disente ang inaalok mo sa mga clients mo. Hindi mo naman mapipigilan na panggigilan ka ng mga nagpapa-cute saiyo.

‘Yun lang, dapat talaga maging malinaw sa bf mo na ginagawa mo lang ang trabaho mo. Hindi sarili mo ang ibinebenta mo sa kanila.

Ingat lang lagi. Minsan kahit mayaman at disente ang lalaki, mayroon din nasa loob ang kulo. Alam mo na, kapag hindi na makapagpigil nawawala ang respeto.

Pakinggan mo rin ang bf mo sa mga sinasabi niya, nagpapaalala at nagmamalasakit lang sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR.LOVE

INSECURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with