^

Dr. Love

May itinatago ba siyang sikreto?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nababahala po ako sa asawa ko. Itago mo na lang ako sa alyas na Violet, may asawa at isang anak. Mahirap lang ang pamilya ko pero sa awa ng Diyos ay hindi kami sumasala sa oras.

Padyak driver lang ang mister ko at ako naman ay tindera ng gulay sa palengke. Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako at ang baby namin kaya magsisikap siyang yumaman upang mahango kami sa kahirapan. Umuupa lang kami ng maliit na espasyo sa isang barungbarong.

Sabi ko naman, basta’t ayokong manggaling sa masama ang kanyang kikitahin at kuntento ako basta nakakaraos kami. Minsan ay nagulat ako dahil nag-uwi siya ng halagang kinse mil pesos.

Sabi niya, kinita raw niya ito sa isang negosyong kasosyo ang kanyang kaibigan. Pero ayaw niyang sabihin kung anong negosyo iyon.  Nagsuspetsa ako dahil nababalitaan ko na ang mga drug traders at gumagamit ng mga couriers at napakalaking problema kung siya ay mahuli.

Ano kaya ang mabuti kong gawin?

Violet

Dear Violet,

Sabihin mo sa kanya na kung mahal ka niya, hindi siya magpapatuloy kung illegal ang kanyang gawain dahil kung siya naman ang mapahamak, ano na ang  mangyayari sa iyo?

Hindi ginhawa at karangyaan ang ibibigay niya sa iyo kundi matinding pagdurusa.

Sabihin mo na hindi masama ang mangarap pero magkasama ninyo itong abutin sa tamang pagsisikap at hindi sa paraang labag  sa batas.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with