^

Dr. Love

Paano manligaw?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo po akong Memeng, isang tricycle driver dito sa aming lugar sa Lucena. 26 anyos na ako at ang akala ko ay hindi na ako mai-in love. Ni minsan kasi, simula ng magbinata ako ay hindi ako nanligaw. Kasi naman, prinsipyo ko na huwag ligawan ang babae kung wala naman akong feelings.

Hindi ko pinapansin si Cely na aming kapitbahay dahil bata pa siya noon. Pero nang mag-college na siya ay naging parang bagong bukang bulaklak na napakaganda, na-in love ako sa kanya. Pero hindi ko alam ang tamang paraan ng panliligaw.  Paano po ang tamang pagdiskarte sa panliligaw? Natatakot akong ma-basted.

Memeng

Dear Memeng,

Ang panliligaw ay hindi itinuturo kundi nagsisimula sa lakas ng loob ng lalaking in love.  Dahil hindi ka pa nanligaw ni minsan, malamang tinatalo ka ng pagka-kimi.

Pero kung hindi ka maglalakas loob, paano mo mapapasagot ang babaeng mahal mo? Makipagkaibigan ka sa kanya. Kung sasakay siya sa trike mo, huwag mong papagbayarin.

Sa ganyan ka magsimula. ‘Yung ibang diskarte ay ikaw na ang bahala. Huwag mo lang daanin sa dahas.

Isa pa, dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari sa panliligaw - ang sagutin ka ng oo o ma-basted. Huwag matakot kung mabigo ka.  Marami pang babaeng puwedeng ligawan.

Dr.  Love

vuukle comment

LUCENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with