^

Dr. Love

May pangamba sa pagpapakasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gina na lang po ang itawag ninyo sa akin. Medyo kinakabahan ako dahil malapit na ang aking kasal. Kahit matagal nang kami ng husband to be ko, hindi ko maalis sa aking isip ang posibilidad na mangyari uli ang panloloko niya sa akin.

Pinatawad ko siya nung una pero napangalawahan pa ang pambababae niya. Nagbalik siya uli sa dati niyang pagsisinungaling. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagimbal nang makita ko siya kasama ang babae niya.

Pero dahil mahal ko siya, pinatawad ko siya uli.  Ginawa ko ang lahat ng paraan para hindi na niya tangkaing lokohin akong muli. Nakita ko naman ang pagbabago sa kanya.

Inamin niya ang kanyang pagkakamali. Naging maayos ang aming pagsasama at nag-aya na siyang magpakasal. Para mapatunayan niya raw na ang katapatan niya ay hanggang kamatayan. Ngayong malapit na kaming ikasal, dama ko pa rin ang pangamba, na maaaring may gawin na naman siyang hindi maganda.

Gina

Dear Gina,

Tanggalin mo ang iyong pangamba. Dahil hindi na niya basta magagawa ang panloloko. Iba na ang usapan kapag kasal na kayo, lalo na sa simbahan. Ang pananagutan niya ay sa batas ng tao at batas ng Diyos.

Kung sa palagay mo ay hindi niya talaga ka-yang maging tapat sa’yo. Sabihin mo ang iyong pangamba. Tiyak na mauunawaan ka niya.

Pagsikapan mong sundin ang pangaral sa seminar para mga ikakasal palang. Kalimutan mo na ang nakaraan at palayain ang iyong sarili sa pagdududa.

Ipaalala mo sa kanya ang sinabi niya at ang sumpaan ninyo sa harap ng altar.

Kasama mo ako sa panalangin na matamo mo ang panatag na kalooban sa iyong pagpapakasal at nawa ay ganap na ang katapat sa’yo ng iyong magiging mister.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with