^

Dr. Love

Patatawarin ba si Marie?

Pilipino Star Ngayon

 

Dear Dr. Love,

May sampung taon na kaming mag-jowa ni Marie. Halos mag-asawa na kami at ang kulang na lang ay kasal. Dati akong palikero pero nagbago nang maging kami ni Marie, natagpuan ko sa kanya ang mga katangiang hanap ko.

Nagtatrabaho siya sa isang financial institution at mataas na rin ang posisyon.

Minsan, nag-alok siya ng investment plan na napaka-attractive. Dodoble ang investment na Php 100 k sa loob lang ng tatlong buwan. Pati mga malapit kong relatives ay buong tiwalang nag-invest sa kanya dahil sa relasyon namin. Pero sacma pala ‘yun.

Kaya galit na galit sa kanya ang mga kaanak ko.  Pero hindi siya idinemanda nang mangakong isasauli niya ang pera.

Aniya, matindi lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya kaya niya ginawa ito. Dapat ko ba siyang patawarin?

Kelvin

Dear Kelvin,

Nasa sarili mong evaluation iyan kung siya ay dapat patawarin o hindi. Pero bago mo gawin ‘yan, tiyakin mong natupad niya ang pangakong isasauli ang pera ng mga taong na-budol niya.

Mabuti at hindi pa kayo mag-asawa. Masusing pag-iisip sa situwasyon ang gawin mo bago ka magpasyang patawarin siya.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with