^

Dr. Love

Dalawa ang pinangakuan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Celestino, 29 anyos at wala pang asawa.

Mabuting tao naman ako, dangan nga lamang at kung minsan ay may kapilyuhan sa ulo. May kasintahan ako at nakatakda na kaming ikasal sa Hunyo ng taong ito.

Nang umuwi ako sa province para dalawin ang aking mga magulang bago mag-Pasko, may nakilala akong dalagita na 16-anyos. Niligawan ko siya pero hindi ako seryoso. Nang makuha ko ang kanyang pagkadalaga ay umiyak siya kaya pinangakuan kong pakakasalan sa Disyembre sa harap ng kanyang mga magulang.  Nagtiwala siya sa promise ko at nakabalik na ako sa Manila. Akala ko ay matatahimik na ako.

Kaso, nag-text sa akin ang dalagitang naka-fling ko at sinabing dapat ko siyang pakasalan agad dahil buntis siya. Nagbanta siyang magpapakamatay kung hindi ko siya pakakasalan.

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Celestino

Dear Celestino,

Kapag tinotoo ng batang ‘yan ang kanyang banta, papasanin iyan ng budhi mo. Baka hindi mo alam na puwede kang isakdal ng mga magulang niya ng rape dahil minor de edad ang dinale mo.

Naiipit ka ngayon sa nag-uumpugang bato dahil nakatakda ka nang ikasal sa kasintahan mo. Kung ayaw mong mapahamak, bumalik ka sa probinsya at panagutan mo ang binuntis mo. Ang problema, dahil underage ang bata, hindi pa puwedeng ikasal iyan dahil bawal sa family code.

Kapag nagpatiwakal iyan, mas malaki ang pananagutan mo dahil malamang idemanda ka ng statutory rape ng mga kaanak ng dalagita.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with