^

Dr. Love

Karibal ko, kapatid ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Constance, 21 anyos at dalaga pa.

Si Ate Cora ay nakatatanda kong kapatid at dalawang taon ang agwat namin. Sabay naming nakilala si Edward sa isang family reunion. Hindi namin siya kamag-anak kundi kaibigan siya ng pinsan namin na isinama niya sa aming gathering.

Nung una, sa akin malapit si Edward. Nagsabi pa nga siya na kung pwede siyang manligaw sa akin. Sabi ko, bakit hindi? Naging ka-textmate ko siya at hindi ko alam na nagte-text din sila ni ate.

Hanggang malaman ko na madalas na silang nagtatagpo at si ate ang niligawan niya at naging kasintahan. Pinaasa ako ni Edward na ako ang liligawan niya pero si ate ang naging girlfriend niya. Naging masakit ‘yun para sa akin.

Sinumbatan ko si Edward sa nangyari at tumigil na ako sa kati-text sa kanya. Hindi ko na rin kinikibo si Ate Cora at batid niya kung bakit. Pati magulang namin ay nagtataka sa iringan namin ni ate.

Ano ang gagawin ko? Nais kong palampasin ang nangyari pero masakit pa ang sugat na nilikha ni Edward sa puso ko.

Constance

Dear Constance,

Kahit nagpaalam sa iyo si Edward na liligawan ka, hindi siya pwedeng sisihin dahil karapatan niya ang pumili sa inyong dalawa ng ate mo.

Hindi ka naman niya niligawan. Marahil, nagbago ang choice niya nang ma-evaluate na mas mahal niya ang kapatid mo. Wala pa kayong relasyon kaya may karapatan pa siyang magbago ng isip.

Ibang usapan kung pareho kayong niligawan. ‘Yun ang masama. Ngayong sila na ng ate mo ang may relasyon, tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong dibdib. Alang-alang sa katahimikan sa inyong pamilya, pawiin mo na ang galit sa dibdib mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with