^

Dr. Love

Masaya sa piling ni Ibarra

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Clara, walang kinalaman ang Noli Me Tangere sa buhay ko. Pero kung pag-uusapan ang Ibarra sa buhay ay masaya ako sa piling niya.

Fifteen ears din kaming nagsama ng mister ko. Tinatawag ko siyang Ibarra dahil sobrang maginoo niya at talagang masipag.

Simula ng maging bahagi siya ng buhay ko, lagi niyang sinisiguro na magiging masaya ako sa bawat araw.

Sabi nga, “happy wife, happy life.

I’m really proud of him. Bukod sa mabait siya ay tunay na paladasal at palasimba ang mister ko.

Wala na nga ako sigurong makikitang lalaki na tulad niya.

Nagbukas kami ng business. Isang maliit na Korean inspired restaurant. Mahilig kasi siya sa mga Korean food, lalo na ang mga noodle soup nila.

Ilang taon lang, nakabawi na kami sa aming puhunan. At hindi ko inaakala na magkakasakit siya.

Naospital siya dahil sa “ schemic heart di-sease”. Akala namin, simpleng pagkahilo lang, ‘yun pala mataas ang kanyang blood pressure.

Hindi rin nagtagal, iniwan na niya ako. Masakit para sa‘kin na nawala ang pinaghuhugutan ko ng saya.

Nanlumo ako ng mga panahong iyon. Gusto ko na ngang ipasara ang aming resto dahil lagi ko lang siyang naaalala.

Hindi ko na masabi ngayon kung magiging masaya pa ako na wala na ang Ibarra ng buhay ko.

Clara

Dear Clara,

We need to accept na may hangganan talaga ang buhay. Kahit na pumanaw na ang Ibara ng buhay mo, naniniwala akong ang masasaya at magagandang alaala niya ay nananatiling sariwa sa puso mo. Ibig sabihin lang nito, ang kaligayahan ay nanatili sa’yo, kailangan lang ay matutuhan mong piliin ito, ang manatiling maligaya.

Natitiyak kong ‘yan ang tanging hangad ng mister mo para sa’yo. Gawin mong inspirasyon ito para magpatuloy sa buhay.

Ituloy mo pa rin ang nasimulan ninyong business at huwag kang malungkot. Gawin mo ang lahat para walang masayang na sinimulan ninyo.

Huwag mong pabayaan ang sarili mo, ang mga anak ninyo at ang inyong business.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with