^

Dr. Love

Hanggang kailan ililihim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Nova. Nahihiya po akong aminin na may relasyon kami ng anak ng kumupkop sa akin. Hindi naman katulong ang turing nila sa akin, kaya nakakapag-aral ako. Kaso ‘yung binatang anak nila, lagi sweet sa akin. Hanggang sa minsan kapag walang tao ay may nangyayari sa amin.

Buntis ako ngayon at siya ang ama. Kapag nalaman ito nila tito at tita, malamang lagot ako. Ayoko namang idamay pa ang anak nila.

Kaya inililihim ko ang lahat. Medyo lumalaki na kasi ang tiyan ko. At nagiging sakitin ako. Tinatanong nila ako kung ano ang nangyayari sa’kin.

Hindi tuloy ako makapaglinis ng bahay nila ng maayos at makapagluto.

Paano ko po sasabihin sa kanila ang sitwasyon namin. Tiyak na mawawalan na sila ng tiwala at baka paalisin pa nila ako sa bahay nila.

Mahal ko ang anak nila at alam kong ganoon din ang anak nila sa akin. Alang-alang sa magi-ging anak namin, gusto ko na lang umalis ng hindi nagpapaalam.

Nova

Dear Nova,

Kalma ka lang. Mainam na ipagtapat mo ang lahat, ang relasyon mo sa anak ng itinuturin mong tito at tita.

Huwag kang matakot na harapin ang totoo. Mas magiging malala ang sitwasyon ninyo kung ililihim mo lang ang mga bagay na ito. Alam mo naman na malalaman at malalaman nila ang pagbubuntis mo.

Makiusap ka at humingi ng patawad para sa kapakanan ng magiging anak ninyo. Hindi lang ikaw ang may gusto nito, kundi maging ang anak nila. Siya ang lalaki, ang dapat managot sa kanyang ginawa sa iyo.

Ipakiusap mo sa kanila na huwag ida-may ang bata. Huwag na huwag mong ipalalaglag.

Maging matatag ka, lagi mong unang isipin ang magiging anak ninyo, na mailuwal ng maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with