^

Dr. Love

Kakatwang ugali ng asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo at sa mga sumusubaybay ng Dr. Love ng advanced merry Christmas.

Sumulat po ako para ikonsulta ang malaking pagbabago sa inuugali ng aking mister. Tawagin n’yo na lamang akong Claire, 30 anyos. Ang mister ko ay isang supervisor sa isang pagawaan ng ready to wear clothes.

Anim na taon na siya sa kanyang posisyon at paborito siya ng may-ari ng pabrika.

Dahil dito ay kinainggitan siya ng mga kasamahan.  Nagkaroon ng malaking nakawan sa pabrika at ang pinagbintangan ay ang aking asawa.

Mabait ang mister ko at hindi niya kayang gumawa ng masama.

Pero nanaig ang paninira ng mga inggite-rong katrabaho.

Natanggal ang mister ko sa trabaho nang walang nakuhang benepisyo.  Isang taon na nang mangyari ito at mula noon, naging bugnutin siya.

Nahihirapan din ang mister ko na humanap ng bagong trabaho dahil nagkaroon siya ng masamang record sa dating pinapasukan.

Kahit maliit na bagay ay sinisinghalan ako. Madalas ay tulala siya at nakatanaw sa malayo.

Kung kakausapin ko ay sisigawan niya ako. Naiirita na rin ako sa kanya.

Ano ang dapat kong gawin?

Claire

Dear Claire,

Unawain mo ang kalagayan niya. Dati siyang may mataas na posisyon at ngayo’y naalis siya dahil pinaratangang nagnakaw. Aba e, masakit ‘yan kung talagang wala siyang kasalanan.

Maging lalo kang magiliw sa asawa mo dahil mayroon siyang pinagdaraanan.

Bigyan mo siya ng encouraging words para mapawi sa kanyang kalooban ang  sama ng loob.

Sabihin mong ipagpatuloy niya ang paghahanap ng trabaho at pasasaan ba at makakatagpo rin siya.

Dr. Love

 

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with