Nagsisisi na ‘di nakapagpundar
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo akong Joel. Ngayon ko nararamdaman ang pagsisisi dahil sa tagal ng panahon na hindi ako nakapundar ng aming sariling tahanan.
Nagkisiksik kasi kami sa bahay ng biyenan ko. Pero gagamitin na raw ng bunsong kapatid ni misis ang kuwartong pinahiram sa amin. Hindi ko alam kung paano lilipat sa ibang bahay.
Una, kailangan namin ang malaking pera para pan-down at 2 months advance. Kahit limang libo ang upa, isang buwan...aabot din ng 15K ang dapat kong maipundar.
Hindi pa rin ganoon kalaki ang sweldo ko para mangupahan kami. Sapat lang talaga ang budget namin sa isang buwan. Bukod pa ang sa tubig at kuryente.
Ang masakit pang isipin, laging nagpaparinig ang bayaw ko. Kaya ko raw niligawan ang kanyang kapatid ay para libre kami sa bahay na a-ming tinutuluyan. Ang malala, kahit kailan daw ay hindi ko naipagawa ang mga dapat kong ipagawa sa bahay na iyon.
Bigla-bigla lang kasi ang pag-aasawa ng bunso nila dahil sa maagang nabuntis. ‘Yun lang, sa ngayon pipilitin kong makahanap ng paglilipatan at makikiusap na lang ako kahit 1 month deposit lang muna ang ibabayad ko. Kaysa matulog kami sa kalsada. Kung pwede raw doon kami sa bahay nila sa probinsiya na lang tumira. Eh, paano naman ang paghahanap buhay ko at pag-aaral ng mga anak namin?
Joel
Dear Joel,
Huwag kang padadala sa inyong sitwasyon. Kung may malalapitan ka ng tulong, mainam pero hangga’t maaari ay huwag mong ipangutang pa ang ipandada-down mo.
Pag-isipan mong mabuti kung pwede naman kayong doon na lang sa probinsiya at doon na lang magsimula ng panibagong buhay. Mag-a-adjust talaga kayo sa sistema ng inyong pamumuhay.
Mahirap para sa mga bata pero kung kaila-ngan talagang lumipat sa probinsiya at pagtiyagaan ninyo at pagsimukapang makaahon.
Matapos ng inyong sitwasyon, pwede mo ring ikonsidera ang magsimula ng magtanim at mag-isip ng inyong bagong mapagkakakitaan.
Hindi mo talaga masisisi ang mga kamag-anak ng iyong misis dahil kayo ang nakikitira, bagamat may karapatan din siya sa bahay na iyon. Tandaan mo, hindi sa lahat ng oras ay nasa ilalim ka, darating ang panahon na mararanasan mo rin ang maging malaya sa kahirapan.
DR. LOVE
- Latest