^

Dr. Love

Huwad na pagmamahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Walong taon bago kami nagkaroon ng anak ng aking mister. May nagpayo sa amin na mag-alay ng itlog kay Santa Clara sa Obando at magsayaw at tiyak daw na magkakasupling kami.

Nang maging born again ako ay pinagsisihan ko ang aking ginawa. Nagbuntis ako, Dr. Love at 18 anyos na ang aming anak na babae ngayon.

Minahal ko nang labis dahil siya ang kaisa-isang anak namin na sagot sa matagal na naming panala-ngin. Bata pa siya ay sinunod ko ang lahat ng gusto niya.  Pinagbabawalan ako ng akong mister at sinabihan na baka lumaking ligaw ang landas ng aming anak na babae.

Pero ako pa rin ang nasunod dahil pinakamalakas kumita sa amin. Hanggang magdalaga na ang aking anak, hindi ko siya hinigpitan.

Nanlumo na lang ako nang isang linggo siyang hindi umuwi ng bahay. Nakipagtanan siya sa isang lalaki na iniwanan din siya matapos ang isang linggo.

Buntis po ang anak ko at iniisip ko ipalaglag ang sanggol, saka ilihim ang kanyang madilim na karanasan.

Dahil dito ay nilayasan din ako ng aking mister, sinisisi niya ako sa kapahamakang sinapit ng aking anak. Ano ang gagawin ko?

Criselda

Dear Criselda,

Sorry to say pero huwad na pagmamahal ang ipinakita mo sa iyong anak, dahil ibinulid mo siya sa kapahamakan. Ang sanggol na dinadala niya sa sinapupunan ay walang kasalanan, kaya huwag mong balaking kitlin ito.

Sikapin mong kontakin ang naglayas mong asawa at humingi ng tawad. Mangako kang babaguhin mo na ang pagtrato sa inyong anak.

Dr. Love

Hindi nawawala sa magkakapatid ang tampuhan. Tama na ikaw ang magpakumbaba.

Hindi dahil sa ikaw ang mali at may utang na loob, kundi tama at ikaw ang nakakaunawa. Patawarin mo ang kuya

mo. Kahit ano pa ang ugali niya, tandaan mo lang palagi na siya ay kapatid mo pa rin. Hayaan mo munang humupa ang kanyang sama ng loob.

Dalawin mo pa rin siya, kahit walang okasyon. Kapag lagi kang dumadalaw sa kanya mare-realize din niya na mas mahalaga ang pagiging magkapatid ninyo kaysa sa galit ninyo sa isa’t isa.

Ganun lang, baka naglalambing lang ‘yun sa’yo.  Ganyan kaming nagkakaedad, nagiging senti at emo paminsan-minsan.

Sige, iho ipagpatuloy mo lang ang pagdalaw sa kuya mo ha. God bless your family.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with