^

Dr. Love

Maling hinala

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mariz, 29 anyos, may asawa at ngayon pa lang uli ako nagdalantao sa tatlong taon naming pagsasama ng aking selosong mister.

Sobra at wala sa katuwiran kung magselos ang asawa ko. Pagdating niya ng bahay at makikita niyang nakaayos ako at mabango, kung ano-ano na ang iniisip niyang hindi maganda laban sa akin. Pinakapaboritong niyang hinala ay may lalaki raw ako. May pagkakataon na pinagbubuhatan pa niya ako ng kamay.

Lagi kong ipinagdarasal na sana magbago siya. Isinusumpa ko na hindi ako nagtataksil sa kanya. May takot po ako sa Diyos.

Pero nagpapaulit-ulit na po ang insidenteng ganito at gusto ko nang sumuko. Sa tingin n’yo po ba ay sapat na dahilan ang maling hinala niya sa akin, bukod pa ang pagbubuhat niya ng kamay sa’kin.

Pagpayuhan po ninyo ako dahil nawawala na ang respeto ko sa kanya, lalo pa’t minsan na akong nalaglagan ng anak dahil sa pagiging sadista niya sa akin.

Mariz

Dear Mariz,

Ang pananakit niya sa’yo nang paulit-ulit ay matibay na dahilan para payagan ng batas na makalayo ka sa iyong asawa.

Dahil hindi naman ako abogado, mas malalaman mo ang tamang hakbang para mapawalang bisa ang inyong kasal, lumapit ka sa isang abogado na siyang makakapagbigay ng tumpak na payo para sa’yo.

At para matiyak na hindi na mapapahamak ang sanggol sa iyong sinapupunan. Lagi mo ring ipagdasal ang iyong asawa, laging bago ang awa ng Maykapal sa araw-araw, walang imposible sa kanya.

Dr. Love

MARIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user