^

Dr. Love

Nangangarap makasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Sweet Girl. Isa ako sa mga nangangarap na makasal balang araw.

Pero ang lahat ng iyan ay mananatili na lang bilang pangarap.  Lead singer ako sa isang club. Sa kanta ko na lang dinadaan ang mga nararamdaman kong lungkot at hinagpis. ‘Di kasi ako makapaniwala na sa apat na naging karelasyon ko, wala ni isa man ang nag-ayang pakasalan ako.

Umasa ako at nabigo. Sa tuwing dumaraan ako sa simbahan, nagkukrus ako at bumubulong, “Lord kailan kaya?”

May isang lalaki akong nakilala sa club. Lagi siyang nag-aaya to spend a few minutes daw at gusto lang niya makipagkwentuhan. Akala ko siya na ang hinihintay ko, hindi pa pala. Pinagtapat niya na may asawa na siya at isang anak. Hiwalay na sila ng kanyang asawa, pero walang legal na pinanghahawakan.

Parang susuko na ako, Dr. Love. 

Sweet Girl

Dear Sweet Girl,

Totoo na hindi lahat ng relasyon ay nauuwi sa kasalan.

Pero huwag ka susuko. May paraan ang Diyos. Iwanan mo na ang iyong nakalipas. Huwag mo na ring ipagsisikan ang iyong sarili sa lalaking pamilyado na. Kung nagawa niyang iwanan ang kanyang asawa, maari rin niyang gawin ‘yun sa iyo.

Just enjoy life. Pwede pa rin namang maging masaya, kahit minsan may kulang.

DR. LOVE

vuukle comment

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with