^

Dr. Love

Inaakit ng ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Wish ko na nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo sa aking liham. Inday na lang ang itawag mo sa akin, isang taon na akong may asawa at wala pang anak.

May dati akong boyfriend, pero nagkalayo kami at hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang siyang hindi nagpakita.

Nakipag-boyfriend ako sa iba at makalipas ang limang buwan ay ikinasal kami ng bago kong boyfriend.

Mahal ko ang aking ex at dinamdam ko ang kanyang pagkawala. Tinulungan ako ng naging asawa ko para limutin ang dati kong kasintahan.

Pero muli siyang nagparamdam sa pamamagitan ng text message. Humihingi siya ng sorry. Pinatawad ko naman na siya pero nagpipilit siyang magkita kami kahit sinabi kong may asawa na ako.

Tama ba na makipagkita ako sa kanya  para maging pormal ang aming paghihiwalay at hindi na ako gambalain pa niya?

Inday

Dear Inday,

Inaakit ka ng ex mo na makipagrelasyon muli. Kung makiki-pagtagpo ka sa kanya, binibigyan mo siya ng pagkakataon para gawin ang pakay niya. Dahil malamang kapag magkaharap na kayo ay digahan ka niya at tuksuhing magkabalikan kayo. Mas mabuting huwag ka nang maki-pagkita pa sa kanya.

Pwede rin naman na sabihin mo ang tungkol dito sa asawa mo at isama mo siya sa pakikipagkita sa ex mo,  sa parang iyan ay matatatak sa isip ng ex mo na dapat ka na niyang kalimutan.

Ikaw na rin ang nagsabi na nalimutan mo na siya nang makilala mo ang iyong asawa, kaya huwag mo nang papayagang magningas muli ang pag-ibig mo sa iyong dating nobyo.

Dr. Love

INDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with