_ngayon
^

Dr. Love

Dating sexy, ‘siksik’ na

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang number one katangian ng misis ko kung bakit niya ako napaibig ay hindi lamang ang maganda niyang mukha, kundi ang balingkinitan niyang katawan. Iyan ay four years ago. Inggit na inggit sa akin ang mga friends ko dahil nakapag-asawa ako ng mala-Liza Soberano.

Pero matapos isilang ang una naming anak, napansin ko ang pagbabago ng korte ng kanyang katawan. Maganda pa rin siya pero hindi na siya katulad ng dati na puwedeng-puwedeng gumanap sa papel na Darna.

Nagda-diet naman siya at nag-e-exercise pero patuloy ang pagtaba ng kanyang katawan. Nang punahin ko ang kanyang walang tigil na pagtaba, umiyak siya at sinabing gusto ko na raw siyang palitan.

Ngayon, hindi na siya kahawig ni Liza Soberano kundi ni Karla Estrada. Tuloy, parang nawalan na siya ng self-confidence at ayaw na niyang sumama sa akin sa mga sosyalan kahit ano’ng pilit ko.

Maski papaano, ramdam ko ay nakakaapekto ito sa aming relasyon. Paano kung makakita ako sa iba na mas sexy at pagtaksilan ko siya? Pagpayuhan mo po ako.

Lito

Dear Lito,

Si Liza Soberano at Karla Estrada ay parehong maganda kaya nga sila naging artista. Mataba man o payat ang iyong asawa, masuwerte ka pa rin sa pagkakaroon ng asawang artistahin.

Ano ba’ng minahal mo sa kanya, ang kanyang kaseksihan o ang kanyang pagkatao?

Napakababaw na dahilan kung pakakasalan mo ang isang tao base lang sa itsura.

Ang gandang panlabas ay kumukupas. Walang maganda o guwapo na napanatili ang kanilang anyo hanggang sa pagtanda nila.

Sa paglipas ng araw, ano man ang antas ng iyong kagandahan, mangungulubot ang balat mo, mahuhukot ang iyong likod at ‘pag minalasmalas ay malalagas ang iyong buhok at ngipin.

Ang tunay na nagbubuklod sa relasyon ay ang kagandahan ng kalooban at hindi ang anyong panlabas.

Dr. Love

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with