^

Dr. Love

Gustong manligaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko sanang manligaw sa isang babaeng napupusuan ko. Lagi ko siyang nakikita tuwing umaga. Habang naglilinis ako ng table niya, nabibighani ako sa ganda niya.

Mabait siya sa akin pero parang hindi naman kami bagay. HR siya, janitor ako.

Ayaw ko ngang pahalata dahil baka malaman niya, lagot ako. Ang kutob ko, alam na niya na may gusto ako sa kanya.

Lagi kasi niyang pinaglalaruan ang damdamin ko. Minsan ang sweet niya sa akin lalo na kapag may iuutos siya. Minsan nagsusungit, parang akala mo galing sa gera na ayaw ngumiti.

Sabi ng kasamahan ko, huwag ko na raw ituloy ang balak ko dahil napakalaki ng pagitan ng aming estado sa buhay. Mataas ang posisyon  niya sa company. Bagay lang daw ang ganoong beauty sa mga ka-level niya. Huwag na nga raw akong umasa, baka mauwi lang sa wala ang mga inaasam-asam ko.

Masyado akong nagandahan sa kanya kaya na-in love ako sa kanya. Gusto kong magpapansin pero hindi ko magawa.

Wala akong karapatan. Ewan ko, siguro noong mga unang panahon pwede pa ang naiisip ko, na kahit maganda, mataas ang posisyon at mayaman ang isang babae ay pwede pa rin ma-in love sa katulad kong isang hamak na janitor.

Gusto ko lang maihayag ng saloobin ko, bakit ganoon may kinikilingan ang mundo. Kung mayaman ako at guwapo siguro, ako pa ang hahanapin nila.  Sila pa ang magpapantasya sa akin.

Justine D.

Dear Justine D.,

Hindi naman imposible ang naiisip mo. Mainam na maging totoo ka sa iyong na-raramdaman. Pwede mo rin naman sabihin sa babaeng tinitibok ng puso mo ang gusto mong sabihin.  Para hindi ka nahahalata at baka lalo siyang maiinis sa iyo. Humingi ka lang ng isang pagkakataon para sabihin ang nararamdaman mo sa kanya.

Pero syempre hindi naman natin hawak ang damdamin ng isang tao. Igalang mo kung ano ang sasabihin niya. Mas mauunawaan ka niya kapag nasabi mo na iyon. Ganun din sana sa iyo.

Pakiramdaman mo ang iyong sarili at pakiramdaman mo siya. Trabaho ka lang, huwag masyadong obvious. Kung talagang hindi siya para sa iyo malamang may makikilala ka pang magpapatibok ng puso mo.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with