^

Umibig sa Pari

(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Kaya po ako lumiham sa inyo ay dahil sa aking anak na dalaga na umibig sa aming parish priest. Ikubli n’yo na lang ako sa pangalang Dolorosa, 49 anyos.

Miyembro po ng church choir sa aming parokya ang aking anak. Bata pa rin at guwapo ang aming pari kaya hindi ko masisi ang dalaga kong 18 anyos na magkagusto sa kanya.

Nahalata ng pari ang madalas na makahulugang pagtitig sa kanya ng aking anak. Pinadalhan pa siya ng love letter ng aking anak. Mabuti at hindi mapagsamantala ang aming pari. Madiplomasyang  kinausap niya ang anak ko at sinabing siya ay alagad ng Diyos kaya kung nakadarama man siya ng pagtatangi sa pari ay iwaksi na ito sa kanyang isip.

Kinausap din ako ng pari at sinabi ang problema. Pinangaralan ko rin sa mahinahong paraan ang aking anak na tanggalin sa kanyang isip ang pagkagusto niya sa alagad ng Diyos.

Ang pari na rin ang kusang umiwas na magtagpo sila ng aking anak sa tuwing may practice ang choir, bagay na ikinalungkot ng anak ko.

Hindi po halos kumakain ang anak ko at nagkukulong sa kuwarto. Ano ang dapat kong gawin?

Dolorosa

Dear Dolorosa,

Hopefully, sa edad na disiotso ay infatuation lang o attraction ang nadarama ng iyong anak sa pari. Sana ay lumipas din iyan.

Samantala, huwag kang lulubay na kausapin siya ng may hinahon. Bigyan mo ng encou-ragement ang anak mo na makakatagpo rin siya ng ibang lalaking walang commitment at mas nararapat na ibigin.

Maraming kaso ng mga kabataang babae ang nagkakagusto sa mga church leaders. Marahil ito ay tuksong inihahasik ng diyablo pero alam ko na higit ang kapangyarihan ng Diyos kaysa sino mang alagad ng kadiliman.

Ang panalangin ang ating pinakamabisang sandata sa harap ng ganitong sitwasyon.

Magbasa ka ng mga talata sa Bible sa harapan niya at hikayatin mo siyang manalangin kasama ka.

Batid ko na hindi nananaig ang kasamaan sa kabutihan kaya huwag kang maglubay sa pa-nanalangin.

Dr. Love

DR.LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with