^

Dr. Love

Paano paiibigin ang ayaw?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang taon ko nang nililigawan ang babaeng gustong-gusto ko at ilang ulit na niya akong pinagsabihan na nagsasa-yang daw ako ng oras dahil wala siyang gusto sa akin.

Tawagin mo na lang akong Andrew, 22 anyos na masugid na umiibig kay Angela. Napakaganda niya at sa tingin ko, wala pa akong babaeng nagustuhan na kagaya niya.

Sa kabila nang pag-basted niya sa akin, ayaw kong sumuko sa panliligaw. Nagbabakasakali ako na baka matutuhan din niya akong mahalin. Sabi nga ng katropa ko, huwag daw akong sumuko dahil ang umaayaw ay hindi nagwawagi.

Hindi na nga ako pinaaakyat ng bahay ni Angela kaya dinadaan ko na lang sa text message hanggang sa i-block niya ang number ko. Pati sa FaceBook ay in-unfriend niya ako.

Pinapadalhan ko na lang siya ng love letters sa pamamagitan ng aming common friends pero sa dakong huli, ayaw na itong tanggapin at pinasasauli sa akin.

Talagang sobra to the max ang love ko kay Angela. Ano ang gagawin ko para mahalin din niya ako?

Andrew

Dear Andrew,

Kung ganyan na matagal mo nang nililigawan si Angela, wala siyang gusto sa iyo kaya huwag mong pilitin.

Igalang mo ang damdamin niya. Ang patuloy mong panliligaw sa kanya kahit ilang beses ka nang binasted ay nakakairita sa kanya at para kang isang stalker na walang tigil sa pagsubaybay sa bawat galaw niya.

Puwede ka niyang idemanda ng unjust vexation kung tutuusin. Itigil mo na ang pagdiskarte mo sa kanya na wala nang kahihinatnang maganda.

Kahit abot hanggang sa langit ang pag-ibig mo, wala kang magagawa kung talagang ayaw niya sa iyo. Maging lalaki ka. Tantanan mo na siya at ibaling sa iba ang panliligaw mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with