Nag-shift ng gender

(Pilipino Star Ngayon) - November 18, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Hayaan ninyong idaan ko rito sa iyong column ang lihim ko. Hindi naman lantad ang pangalan ko. May nais lang po akong iparating sa barkada ko na ngayon ay umiiwas at naiilang sa akin. Aaminin ko na crush kita, Sonny. Sorry ha, alam kong barkada ang tingin mo sa akin. Hindi ko naman sinasadya na maging ganito ako.

Lagi nga akong MVP sa mga liga na sinasalihan natin noon, ‘yung naglalaro pa tayo ng basketball.

Hindi talaga pumasok sa akin noong una na magiging ganito ako at magkakagusto ako sa iyo.

Simula nang nag-shift ako ng sports, nag-shift din ang pagkatao ko. Dati alam mo ‘yun, maraming naghahabol sa atin na mga chicks na marikit. Ako pa nga ang unang nilalapitan dahil sa husay kong maglaro.

Volleyball ang dahilan kaya nagbago ang tipo ko, hindi na babes kundi mga guys na katulad mo. Paano halos lahat ng players na kasama ko, mga beki. Hayun nahawa na ako sa kanila. Araw-araw ba naman kasama ko silang nagwa-warm up, sa practice at sa games naambunan ako ng lambot ng kanilang kilos at lakas ng kanilang tili.

Noong una, hindi ko pa napapansin kaso napaamin din nila ako na isa na ako sa kanila.

Hindi naman ako nanghihinayang. ‘Yun lang, kapag pinanonood kita at ang mga ka-team mo humahanga ako sa iyo. Wala ka pa ring kupas kaya hinahabol ko ng tingin ang mga three points mo.

Sana maunawaan mo ako, iba na ang mundo ko ngayon. Sana matanggap mo pa rin ako bilang kaibigan. Hayaan mo, pipilitin kong mawala ang nararamdaman ko sa iyo.

Thank you po sa atensyon, Dr. Love. Pa-shout po kay Sonny.

James

Dear James,

Alam mo James, huwag kang matakot na ma-ging totoo sa sarili mo. Kung talagang  desidido ka nang maglantad, eh bakit naman hindi. Tiyak na maiintindihan ka ni Sonny, kung matagal na ang inyong pinagsamahan.

Huwag mo lang siyang pilitin na magustuhan niya ang lahat ng bago sa’yo ngayon. Pwede pa rin kayong maging magkaibigan pero may limitasyon na, hindi katulad ng dati. Hindi iyon sasabihin sa iyo ni Sonny pero mararamdaman mo ito. Asahan mong medyo maiilang siya sa iyo at dapat handa ka.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with