^

Dr. Love

Tinangay niya ang puso ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una ay nagpapaabot ako sa iyo at sa lahat ng iyong mambabasa ng isang mainit na pagbati. Tawagin mo na lang akong Maloy, 20 anyos. Nagluluksa ako ngayon dahil sa pagkawala ng aking pinakamamahal na boyfriend na si Louie.

Akala ko, siya na ang lalaking nakatadhana para sa akin. Isa at kalahating taon na ang relasyon namin at magpapakasal na sana kami sa taong ito pero hindi natuloy dahil sa pandemic.

Pero kamakailan ay nakipagkalas siya sa akin. Nang minsan tanungin ko kung kailan kami magpapakasal, natahimik siya nang matagal. Kinabahan ako sa kawalan niya ng kibo. Sabi niya, na-realize niya na hindi kami para sa isa’t isa. Umiyak ako sa kanyang harapan pero nagpaalam siya at sinabing wala na siyang feelings para sa akin.

Halos mabaliw ako sa sinabi niya. Ngayon, hindi ako makapag-move on dahil mahal ko siya at kasama niya sa kanyang paglisan ang aking puso. Sinikap kong tawagan siya pero binlock niya ako sa kanyang cellphone at pati ang facebook account niya ay nawala na.

Hindi ko alam kung papaano ko malalampasan ang pagdurusang ito. Sana ay matulungan mo ako, Dr. Love.

Maloy 

Dear Maloy

Puso mo ba ang tinangay ng boyfriend mo o ang iyong utak? Sayang ang buhay mo kung ipagmumukmok mo hanggang kamatayan ang pagkawala ng boyfriend mo.

Damahin mo ang iyong dibdib at sigurado ako na may puso pang tumitibok diyan. Pero kung inaakala mo na wala nang kabuluhan ang buhay mo dahil iniwanan ka ng isang lalaking salawahan, magpa-x-ray ka at baka utak mo nga ang tinangay niya.

Ang isang kasawian ay hindi dapat maging dahilan upang masira nang tuluyan ang iyong buhay. Itiklop mo na ang kabanatang iyan ng buhay mo at harapin ang mga bagong araw na darating.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with