^

Dr. Love

Malasakit ni Lola

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Lola Isang. Ako ang nag-alaga sa dalawa kong apo. Iniwan sila ng kanilang ama na nag-asawa na ng iba.

Naawa ako sa kanilang kalagayan lalo na sa aking anak, kaya ako na ang mag-isang nagtaguyod sa kanila, tutal marami naman akong naipundar.

Pinaghiwalay ko sila para naman matulu-ngan ako ng iba ko pang mga anak sa kalagayan ng iba pa nilang kapatid. Hindi ko kaya kung aakuhin ko lahat. Masakit bilang ina at lola ang makitang naghihikahos sila. Pinasa Diyos ko na rin ang lalaking iyon na gumawa ng hindi maganda sa aking anak. Sayang nagtiwala pa naman ako sa kanya.

Napagtapos ko na ang panganay niyang anak. Nakapag-abroad, kaso hindi na siya nagparamdam sa amin. Nangako siyang tutulong sa kanyang kapatid pero nang kumikita na, wala namang naipapadala.

Matanda na ako at ayokong maiwan ang natitirang isa sa mga apo na pinag-aaral ko. Kung sa pera lang ay kaya ko pa, pero marami na akong nararamdaman. Lalo ngayong panahon ng pandemic, hindi na ako makalabas ng bahay. Ang apo ko na lang ang nag-aasikaso sa aming dalawa.

Alam kong minsan nahihirapan siyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pag-aasikaso sa akin. Kaya sana maabutan ko pa ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Mabait naman ang apo kong ito, hindi tulad ng kuya niya. Hanggang dito na lang, sana magsilbing aral ito sa mga magulang at kanilang mga anak.

Lola Isang

Dear Lola Isang,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Ingat lang po lagi at bawal pa lumabas ang seniors. Mabuti at mabait ang apo mong nag-aaral pa. Huwag kang mabahala baka naman nag-iipon pa lang ang apo mong naka-graduate ng kolehiyo at nakapag-abroad.

Hanga ako sa ginawa mo para sa iyong mga apo. Ganyan talaga ang buhay nating mga magulang, isasakrispisyo natin lahat para sa ating mga anak at apo.

Huwag kang ma-syadong mag-isip kung ano ang mangyayari sa darating, may awa ang Diyos tulad nang ipinakita mo sa iyong anak at mga apo. May paraan ang ating Panginoon kahit na minsan ay hindi natin agad nakikita ang kanyang pagkilos sa ating buhay.

Maraming salamat sa pagiging isang inspirasyon sa bawat pamilya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with