^

Dr. Love

Susundin ba ang friends o bf?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Binibining Makulit. Ewan ko ba kung bakit masyadong mahigpit sa akin ang bf ko. Lagi na lang binubukas ang fb account at chat ko sa aking mga friends. Parang wala siyang tiwala na mahal ko talaga siya.

Ang pinakamatindi ay ang pag-post ko ng tiktok dance ko. Masyado raw daring ang mga moves ko at tanggalin ko raw ang post ko na iyon kung gusto ko pa raw na maging kami pa rin. Huwag raw akong pasaway at ayaw niya ng makulit. Kinukulit ko lang siya dahil ayaw kong i-delete ang tiktok ko.

Noong hindi pa kami mag-bf malaya akong magawa kung ano ang gusto ko. Naka-quarantine na nga ako, hindi na nga ako makalabas…hanggang tiktok at Instagram na nga lang ako ayaw pa niya.

Sinabihan na ako ng mga friends ko na i-give up ko na ang relationship namin. Parang one way lang ang nangyayari. Marami siyang request at marami ring bawal. Kulang na lang pagbayarin niya ako ng tax.

Pero siya, kung makapagbinibining marikit hindi ko siya pinagbabawalan. Mabuti na nga lang siguro sundin ko na lang ang payo ng aking mga kaibigan. Eh, ang parents ko nga kasama ko ring mag-tiktok.

Binibining Makulit

Dear Binibining Makulit,

Sundin mo na ang bf mo…para hindi makulitan. Lawakan mo ang iyong isip. Baka naman talagang daring ang mga moves mo. ‘Yan ang hirap sa inyong mga kabataan. Lahat ng gusto ninyong gawin ginagawa ninyo. Kahit minsan masyado nang lantad ang dating.

Itanong mo sa iyong mommy o kay daddy mo kung malaswa ang dating ng video mo. Kung nahihiya ka, eh may problema nga. Kung ayos naman sa kanila, bakit kailangan mo pang i-delete.

Take care of yourself, iha. Hindi naman sa conservative ako. we need to respect our body. Nakasalalay dito ang iyong pagiging disente para galangin ka rin ibang tao. Sa isang banda may puntos ang bf mo na nagpapaalala lang siya sa iyo.  Mas mainam na iyan kaysa wala siyang pakialam sa iyo. Huwag lang sobra, pwede mo ring sabihin sa kanya ng maayos.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with