^

Dr. Love

Paano hahatiin ang puso?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Buong akala ko, matibay ang relasyon namin ng aking boyfriend na si Gregory. Dalawang taon na kami. Pero nagulat ako nang makipag-break siya sa akin at nagkaroon ng iba.

Masyado kong dinamdam ito.  Pero after a while naghilom ang sugat at nagkaroon ako ng bagong boyfriend.

Ako po si Carol, 20 anyos at isang call center agent. Uliran si Dave, ang bago kong boyfriend kaya madali ko siyang natutuhang mahalin. Ang problema ko, minsan naiisip  ko pa rin ang nagtaksil kong boyfriend.

Nagkabalikan kami ni Gregory, hindi ‘yun alam ni Dave. Dalawa sila ngayon, na alam kong mali. Pareho silang matimbang sa puso ko. Ano ang maipapayo mo?

Carol

Dear Carol,

Hindi puwedeng hatiin ang puso where love affair is concerned. Choose.

Sa iyong pagpili, pagbabasehan mo ang kanilang magandang katangian.

Naging unfaithful si Gregory at iyan ay maaaring maulit.

Si Dave naman ay naging tapat sa iyo kaya sa tingin ko’y higit na karapatdapat siyang piliin.

Ang puso ay mandaraya. Huwag ito ang sundin mo, kundi ang iyong isip.

Maaaring totoo na bulag ang pag-ibig.

Ngunit dapat mo ring timbangin ang kakaharapin mo sa future kung sino man sa kanila ang magi-ging kapalaran mo.

Gawin mo sana ang pagpili sa lalong madaling panahon, bago ka pa mabuko at itakwil nila pareho.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with