Suwerte o malas ang kasal?
(Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Ako po si Pina Mae. Limang taon na po kaming nagsasama ng aking mister at dalawa ang aming anak. Hinikayat ko siya na magpakasal kami sa simbahan.  Apat na couples po kami.

May mga kapitbahay kami na mahilig sa pamahiin. Sabi nila, pangit daw ang sabay-sabay na pagpapakasal. Para rin daw sukob, may mamalasin at may susuwertehin. Para raw isang sumpa.

Hindi po ako nakinig sa kanila.  Ang alam ko, kaya nga nagpapakasal sa simbahan para may basbas kami ng Diyos.

Dahil po sa paniniwalang ‘yun, maraming hindi kasal sa simbahan dito sa aming lugar.

Natuloy po ang aming kasalang bayan. Masaya naman pero may pangamba ako.  Baka mangyari ang sinasabi nila.

Ilang buwan matapos kaming makasal. Bigla na lang napansin kong nag-iba ang ugali ng mister ko. Nawiwili siyang tumambay at nakikipag-inuman na sa labas. Nagiging malala pa siya at inaaway na niya ako, natuto na rin siyang magsugal. Hindi naman siya ganoon dati.

Sa apat na kinasal, dalawa raw ang papalarin at dalawa ang magdurusa. Hindi ko alam kung totoo pero dalawa nga sa amin ang pinalad. Ang isa, nakapag-abroad ang mister. Ang isa naman ay gumanda ang buhay dahil sa negosyo.

Pero kami ng kumare ko, parang kami ang minamalas. Totoo po ba ang paniniwalang iyon?

Pina Mae

Dear Pina Mae,

Huwag kang basta-basta naniniwala sa mga ganyang suwerte o malas. Kausapin mo ang mister mo, baka naman may sama siya ng loob kaya nagbubulakbol. Ang kinabukasan ninyong dalawa ay hindi nakasalalay sa kasabihan o sumpa.

Kayo ang gumagawa ng ikakaganda ng inyong pagsasama. Mag-usap kayong mag-asawa at lagi kayong manalangin at magsimba. Ang tunay na magandang buhay ay mayroong kapayaan at masaya kayong nagsasama kahit minsan ay dumaraan kayo sa mga pagsubok.

DR. LOVE

KASAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with