‘Di boto makasal
(Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Alam kong hindi madali ang pinasok kong relationship. Mas matanda sa akin ang babaeng niligawan ko. Second year college ako noon at isa siyang staff sa department namin.  Lagi niya akong tinutulungan sa pag-process ng papers ko tuwing enrollment at kapag may problema ako sa mga subjects ko.

Noong una, ate pa nga ang tawag ko sa kanya. Sinabihan niya ako na miss na lang ang itawag ko sa kanya. 8 years lang naman ang agwat ng edad namin.

Ako ang unang nagpakita ng motibo sa kanya. Nabaitan ako sa kanya. Bukod sa mabait ay maganda pa.  After one year naging kami na. Kinulit ko siya nang kinulit para sagutin ako. Nagtiis ako na hindi namin ipahalata na “kami na”. Baka ano raw ang sabihin ng mga officemate niya. Hanggang sa pamilya niya, hindi kami tanggap.

Graduate na ako at may trabaho na ngayon. To make my story short, gusto ko na siyang ayaing magpakasal. Pero ayaw ng parents niya na magkatuluyan kami dahil mas bata raw ako sa kanya. Katwiran nila, hindi ko pa raw kayang magpamilya. Hindi na lang kami kumikibo. Ano po kaya ang magandang gawin?

Aljon

Dear Aljon,

Nasa tamang edad na naman kayo at makakapagdesisyon na para sa sarili ninyong buhay. Kaya kung tunay ang pagmamahalan ninyo walang makakapigil sa inyo kung gugustuhin na ninyong magpakasal.  Huwag kang paapekto sa sasabihin ng ibang tao o sa pamilya niya o kung sinuman.

Kayo ang gumagawa ng inyong love story. Just be brave enough to face all the challenges sa inyong relasyon.

DR. LOVE

RELATIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with