Birthday selos
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Janna. Isa akong college student dito sa Maynila, pero taga-Cotabato. Share ko lang po ‘yung nangyari nung birthday ko, nagselos ako.

Lagi naman kaming magkakasama ng bf at boardmate ko, hindi ko rin maintindihan. Gusto ko lang mag-inarte, siguro dahil birthday ko. Pero nauwi sa pagseselos.

Nagsimula ‘yun nung napapansin ko ang panay bulungan at ngisian ng bf at boardmate ko. Tamang duda ako at iba na ang tinatakbo ng utak ko.  Hindi ko naman dapat bigyan ng kahulugan iyon, kasi pareho naman silang espesyal sa akin.

Hindi ako tatagal dito sa Maynila kung wala ang boardmate ko na matiyaga sa akin. At siyempre ang bf kong nagbibigay inspirasyon. 

Tinanong ko sila kung bakit kanina pa nila ako pinagkakaisahan. Nagalit na ako. Ang hindi ko alam, may video pala silang ginawa para sorpresahin ako. Video ng parents ko at mga kamag-anak ko sa probinsiya, sa Cotabato.

Bigla akong napaiyak dahil hindi ko alam na nagpadala pala ng video ang mother ko para batiin ako. Namimis ko na sila, dalawang taon pa para maka-graduate ako. Niyakap ko ang bf at boardmate ko kasi kung ano-ano ang pumapasok sa kukote ko.

Simple pero masaya ako sa birthday ko  nga-yong taon. Humingi ako ng sori sa dalaga pang boardmate ko na mahal ko. Nagpapasalamat ako sa pagtitiyaga niya sa mga telenobela ng buhay ko.

Janna

Dear Janna,

Belated happy birthday sa iyo. May ganyang feelings tayong mga Pinoy, nagdadrama kapag birthday natin o kahit sa ibang mahalagang okasyon. Kasi gusto natin na maging espesyal, tapos nami-miss mo pa ang mga mahal mo sa buhay. Mabuti nga may kasama ka rito sa Maynila.

Tiyak namang nauunawaan ka ng bf mo at ng boardmate mo.  Sana natutuhan mo ang mahala-gang leksiyon, na huwag pagdudahan ang mga mahal mo sa buhay. Dahil gaya sila ng kayamanan na hindi mo dapat sayangin.

DR. LOVE

 

 

 

 

BIRTHDAY SELOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with